Panlasang Pinoy Sa Dubai

Iba nga talaga ang lutong Pinoy. Maaring masarsa, maalat, mamantika, o maasim, ngunit siguradong palaging katakam-takam. Di na nakapagtatakang hanap-hanapin ng panlasang Pinoy ang mga pagkaing kinamulatan, kinalakhan at kinapanabikang makita sa kanilang Lamesa. Kabilang marahil ang Dubai sa iilang siyudad sa mundo na pinamumugaran ng mga Pilipino, pumapangalawa tayo sa mga Indyano. Narinig nyo na ba ang mga pagkaing nakahain sa Lamesa?

Ang Mga Bida ng LAMESA

Nakapasa si JM sa Driving test ng Dubai (kung saan marami ang ilang ulit pumapalya). Simple lang ang estrahiya ika nya: “Huwag maangas sa pulis, pokus sa lang sa instructions.” Selebrasyon ang una niyang naisip matapos maipasa ang pagsusulit! LAMESA ang agad naming tinungo.

Sa halagang 70 AED, maari mong matikman ang mahigit sa 50 putaheng iniluto ng chef mula sa Pilipinas . Masagwa mang pakinggan ang “eat all you can”, lulunukin ang hiya at tahimik na hihilingin ng bawat kakain na matikman ang lahat ng nakahain. Bawat ulam ay may pangakong linamnam. Bawat putahe’y ibabalik ka sa alaala ng sariling bayan, at sa hapag ng inyong tahanan.

Una akong nabighani ng lutong-Pinoy at TFC channel ng Tipanan. Isa itong maliit na kainan malapit sa dati kong tinitirhan. Matagal-tagal na rin akong di napapadako para kumain ng isdang tanigi, tilapya, at bangus. Siguradong tatangkilikin ng Pinoy ang mga kainang naghahanda ng lutong-Pinoy na parang gawang-bahay lang. Isang masaganang hapag ang naghihintay sa inyo sa Lamesa.

Ang  malungkot, kinumpirma ng ilang empleyado na ang serbisyong ito ay tuwing Agosto lang. Ang masayang balita, nasubukan na namin bago pa matapos ang promo. Swerte!

 

 

One response to “Panlasang Pinoy Sa Dubai”

  1. Guenstige Fluege Nach Dubai…

    […]Panlasang Pinoy Sa Dubai | I Am Issa[…]…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.