Tag: tagalog

  • Bukas sa Payatas

    “Kurakot na gobyerno, trapong pulitiko, Pangakong napako, makasariling pamumuno,” Walang ibang makita o masabi kundi kabulukan- ng mga lider ng barangay,ng lungsod, ng bayan. Pero laman ng binggo-han bago pa malamnan ang tiyan, Bida na ng tsismisan bago sariling bahay’y malinisan, Maagap, sa pilaha’y masikap, mapa-DSWD o simbahan, Walang grasyang pinalalampas- umaraw man o umulan….

  • Habi

    Humabi ng gintong pangarap sa gitna ng dilim, Inapuhap malamlam na lampara, umaamot ng liwanag, Bagamat naluluha bawat maling tusok ng karayom, Sulyap lamang sa dibuhong nabuo, hapdi’y napaparam. Anong hugis ng bukas? Anong kulay ng susunod na araw? Tatsulok? Parihaba? Asul? Pula? Luntian? O dilaw? Kapalaran, tutupad ka ba sa disenyong napagkasunduan? Matagpuan ko…

  • CLOSED (SARADO PO)

    Walang Pilipinong magpapasalamat kapag nabasa ang Tagalog na saling-wika ng CLOSED (SARADO PO) sa desk ng teller sa Etisalat Network outlet sa Deira City Center Mall. Hindi ko mawari kung dulot lang ba ng pagod ko, dahil lagpas alas-9 na nang dumaan ako para magbayad ng internet, kaya nag-init ang ulo, namula ang mga pisngi, at…