Tag: tulang tagalog

  • MANIPESTO NG ISANG DAYO

    ni Pat Villafuerte 1. nakahihirin ang bawat paglunok ng laway na sinaid ng mga pagbilin at pagpapaalala habang ang bawat bisig at mga labi ay nag-iiwan ng bakas ng pangungulila. di mahawan ang sapot ng pagluha na binikig ng putul-putol na pangangaral at paninisi, ng pangangatuwiran at pagtanggap, ng pagbabalik-loob at pagpapatawad. sa nalalapit kong paglisan, kayraming…

  • Habi

    Humabi ng gintong pangarap sa gitna ng dilim, Inapuhap malamlam na lampara, umaamot ng liwanag, Bagamat naluluha bawat maling tusok ng karayom, Sulyap lamang sa dibuhong nabuo, hapdi’y napaparam. Anong hugis ng bukas? Anong kulay ng susunod na araw? Tatsulok? Parihaba? Asul? Pula? Luntian? O dilaw? Kapalaran, tutupad ka ba sa disenyong napagkasunduan? Matagpuan ko…